Friday, July 11, 2008

Cely Bautista (60s - 70s)



Cely Bautista

Si Cely Bautista ay dating miyembro ng bandang Mabuhay Singers na nag-umpisa noong huling dekada 50s, subali tng sumapit ang dekada 60s, sinubukan ni Cely ang magsarili ng kanyang mga awiting kundiman sa ilalim din ng Villar Records, isa sa kanyang mga natatanging album ay ang "Hihintayin Kita" noong dekada 60s.

Si Cely ay paminsna-minsnag din sumasali sa bandang Mabuhay Singers at nagsasaplaka rin naman ng kanyang mga sariling obrang musika noong unang dekada 70s.

Unang nagsaplaka si Cely kasama si Ading Fernando sa awiting "Waldas" na ginawa ng Sampaguita Pictures noong 1955 at talikurang plaka naman nito ang "Mariposa" na isinapelikula rin ng Sampaguita Pictures kung saan ginampanan naman ni Ms. Gloria Romero katambal si Ric Rodrigo.

Ang kanyang plakang nabanggit ay mula sa Mareco Records bago pa siya tuluyang naging miyembro ng Mabuhay Singers sa ilalim naman ng Villar Records.


Cely Bautista
Member: Mabuhay Singers
Decade: 50s/60s/70s
Record Label: Mareco Records & Villar Records:
Genre: Kundiman
Cely Bautista - Mariposa (1955)
Cely Bautista - Waldas (1955)


Available in:

Villar Records
Kabayan Central

No comments: